Nakapagtataka. Ang bawat araw
Na lumilipas ay hindi na nag-iiba
Tila isang gulong na paikot-ikot
Hindi naman alam kung saan patungo
Saan ba pupunta ang ating istorya
'Wag naman sana sa kadiliman mapunta
Matatapos na ba itong walang-hanggang nobela
Ako ay nahihirapan na
Nakakalito. Ang mga tao
Ay naliligaw sa ginagalawang mundo
Ano pa ba ang kailangang iwasto
Dito sa isang ilpunang nagbabalatkayo
Upang ang pangarap ay 'di maglaho
at sa huli'y lahat ng ito'y magkatotoo
"May pag-asa pa ba?" tanong ng madla, nakakaawa
Naiwan na lang sa baba
Hindi ka pa ba natututo
Hindi ka pa ba nadadala
Sa iyong mga pagkakamali
Hindi ka na dapat magkunwari
Kaibigan, sumigaw ka na!
Iparinig mo sa kanila ang iyong nadarama
Kaibigan, sumigaw ka na!
ito na ang pagkakataon upang ika'y bumangon
Sa tulong Niya
tayo'y magkakaisa
Current Mood: |
pissed off |